Cherreads

Chapter 7 - Chapter 6: Under the Silent Tree

CJ Walking Alone

Habang naglalakad si CJ sa campus, bumigat ang pakiramdam niya.

Unti-unting bumalik sa isip niya ang nangyari kanina sa banyo.

Flashback – Girls' Bathroom

Pagkapasok ni CJ, naroon sina Shella, Erica, Jocelyn, at Ash.

Pagkakita sa kanya, agad silang nagtawanan.

Shella: Oh, the bitch princess is here.

Erica: Wow, nandito yung sipsip sa university. Laging lapit sa mga boys.

Napahinto si CJ.

Naguguluhan.

Nasasaktan.

CJ: Wala naman akong ginawa… bakit ganyan kayo magsalita sa'kin?

Ngumisi si Jovelyn.

Jovelyn: You have no right to ask. Kaya ganyan kami kasi… you're a bitch.

Napahalakhak si Ash.

Ash: Wag n'yo naman ganyanin ang malandi… hahaha!

Tumawa ang mga kasama niya.

Parang tumusok lahat ng salita sa dibdib ni CJ.

Hindi siya sumagot.

Tahimik lang siyang umalis sa banyo.

Pilit pinipigilan ang luha.

End flashback

---

Kaya pala gusto niyang mapag-isa.

Hindi dahil galit siya.

Kundi dahil nasasaktan siya.

Naglakad siya nang walang direksyon hanggang makarating sa malaking puno sa likod ng campus.

Hindi niya alam…

Nandoon si Alex.

Nakatulog sa kabilang side ng puno, nakasandal.

Hindi siya kita ni CJ dahil nasa likod lang ito.

Tahimik na umupo si CJ sa damuhan.

Yumakap siya sa sariling tuhod.

Mahina ang boses niya.

CJ: Bakit ganon sila sa'kin…?

Nanginginig ang boses niya.

CJ: Wala naman akong ginawang masama…

Tuluyan nang pumatak ang luha niya.

Tahimik siyang umiiyak.

Sa likod niya—

Bahagyang gumalaw si Alex.

Alex Point of View

Unti-unting nagmulat si Alex.

Mahina pa rin ang naririnig niyang hikbi mula sa kabilang side ng puno.

Napakunot ang noo niya.

Dahan-dahan siyang umayos ng upo.

At doon niya napagtanto—

si CJ iyon.

Tahimik siyang napabuntong-hininga.

Mahina niyang bulong, halos hindi marinig.

Alex: Bakit siya nandito…?

Narinig niyang muli ang pigil na iyak ni CJ.

Bahagyang humigpit ang panga niya.

Alex: …and why is she crying?

Sandali siyang nag-atubili.

Alam niyang dapat siguro umalis na lang siya.

Pero hindi gumalaw ang mga paa niya.

Tumayo si Alex.

Dahan-dahan siyang umikot sa harap ng puno at lumapit sa kinauupuan ni CJ.

Tahimik siyang umupo sa tabi niya.

Hindi napansin ni CJ.

Nakayakap kasi ito sa sariling tuhod, nakasubsob ang mukha niya roon, at bahagyang nanginginig ang balikat sa pagpigil ng iyak.

Tahimik lang si Alex.

Hindi agad nagsalita.

Ayaw niyang biglain siya.

---

CJ Point of View

Unti-unti niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya.

Huminga siya nang malalim.

Pero may kakaiba.

Parang may presensya sa tabi niya.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo.

At doon siya natigilan.

Katabi niya—

si Alex Domenic.

Gulat na gulat si CJ.

Bahagyang lumaki ang mata niya.

Hindi niya inaasahan na ganoon siya kalapit.

Sa unang pagkakataon, nakita niya ito nang maayos.

Matangos ang ilong.

Malinis ang jawline.

Makapal ngunit maayos ang kilay.

Malamig pero malalim ang mga mata.

Bahagyang mapula ang labi.

At kahit tahimik lang ito…

ramdam niya ang presensya nito.

Napaatras nang kaunti si CJ.

Allex: Do I look attractive to you?

CJ: I-Ikaw…?

Tahimik lang si Alex.

Nakatitig siya kay CJ—hindi malamig, hindi galit.

Kalmado lang.

Alex: You've been crying.

Napatigil si CJ.

Mabilis niyang pinunasan ang mukha.

CJ: Hindi.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Alex.

Alex: Liar.

Napahiya si CJ.

CJ: Wala kang pakialam.

Tahimik.

Pero imbes na umalis—

mas lalo lang naging kalmado si Alex.

Alex: Then why are you crying alone?

Napakurap si CJ.

Hindi niya alam kung sasagot ba siya.

Hindi niya alam kung bakit…

pero sa unang pagkakataon—

Hindi siya makaalis sa titig ni Alex.

Tahimik ang paligid.

Humahampas lang ang malamig na hangin sa malalaking dahon ng puno.

Pero sa lugar na iyon—

parang sila lang dalawa ang natitira.

Paulit-ulit pa ring nagtatanong si Alex.

Hindi dahil mapilit siya.

Kundi dahil ramdam niyang may mas mabigat pa sa likod ng luha ni CJ.

Alex: Why were you crying?

Tahimik si CJ.

Hindi agad sumagot.

Sa halip—

dahan-dahan siyang tumingala sa langit.

Parang doon niya gustong ibuhos ang iniisip.

Samantalang si Alex…

nakatingin lang sa kanya.

Tahimik.

Hindi kumukurap halos.

Pinagmamasdan ang side profile niya.

Ang maliliit na luha sa gilid ng mata.

Ang bahagyang nanginginig na labi.

Ang lungkot na pilit itinatago.

Allex Point of View

Mahina siyang nagsalita.

Halos bulong.

Siya lang ang nakarinig.

Alex: You're so beautiful…

Saglit siyang huminto.

Mas humina pa ang boses.

Alex: …my girl.

Hindi narinig ni CJ.

Patuloy lang siya sa pagtitig sa langit.

Pagkatapos—

nagsalita siya.

Mahina.

Basag ang boses.

CJ: Bakit ganon… tahimik lang naman ako, pero may magsasabi sa'kin na malandi daw.

Napakuyom si Alex nang bahagya.

Hindi nagsalita.

Nakikinig lang.

CJ: Wala naman akong ginawa…

Napabuntong-hininga si CJ.

CJ: Ngayon ko lang naranasan na may mag-bully sa'kin nang ganon.

Unti-unting namuo ulit ang luha sa mga mata niya.

Pero hindi pa rin siya tumitingin kay Alex.

Nakatitig pa rin sa langit.

CJ: Masakit, Alex…

Unang beses niyang banggitin ang pangalan nito.

Napahinto si Alex.

Bumilis nang bahagya ang tibok ng puso niya.

CJ: Kasi naisip ko… paano kung isipin ng mga tao dito na hindi ako malinis? Na masama akong babae…

Nanginginig ang boses niya.

CJ: Bakit ganyan sila? Wala naman akong ginawa kundi maging mabuti… sa mga tao… sa parents ko… sa friends ko…

Tahimik.

Mabigat.

Ang lugar na iyon sa ilalim ng malaking puno ay halos hindi pinupuntahan ng students.

Tago.

Malayo sa ingay ng campus.

Parang pribadong mundo nila.

Walang makakakita.

Walang manghuhusga.

Naramdaman ni Alex ang bigat ng bawat salitang binitawan ni CJ.

At doon niya mas nakilala ang babaeng ilang araw nang gumugulo sa isip niya.

Habang nakikinig si Alex—

unti-unting humigpit ang panga niya.

Tahimik.

Pero may galit.

Hindi kay CJ.

Kundi sa mga taong naglakas-loob magsalita nang ganoon sa babaeng unti-unti nang mahalaga sa kanya.

Hindi niya gusto ang ideyang umiiyak si CJ dahil sa ibang tao.

Hindi niya gusto ang ideyang nasasaktan siya habang tahimik lang ang lahat.

Dahan-dahan siyang tumingala sa langit.

Parang pinipigilan ang galit na nasa dibdib niya.

Samantalang si CJ—

unti-unti nang umiwas sa pagtingin sa langit.

At ngayon—

si Alex na ang tinititigan niya.

Tahimik.

Nag-aabang.

Huminga nang malalim si Alex.

Mahina ang boses niya.

Pero malinaw.

Matatag.

Alex: Don't worry, CJ.

Napatigil si CJ.

Hindi siya makapagsalita.

Hindi inalis ni Alex ang tingin sa langit habang nagsasalita.

Parang mas madali para sa kanya sabihin iyon nang hindi direktang nakatitig.

Alex: I'm here.

Saglit siyang huminto.

Mas bumaba ang boses niya.

Alex: I will always stand beside you.

Nanlaki ang mata ni CJ.

Unti-unti niyang hinigpitan ang hawak sa sariling tuhod.

Alex: I won't let you carry everything alone.

Napakagat-labi si CJ.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

Alex finally turned his head.

Ngayon—

diretso na siyang tumingin kay CJ.

Malamig pa rin ang aura niya.

Pero ang mga mata—

sobrang lambot.

Sobang totoo.

Alex: If it hurts…

Mas lumapit siya nang bahagya.

Alex: Call my name.

Nanginginig ang hininga ni CJ.

Alex: And I'll be there.

Tahimik.

Mabigat.

Totoo.

Alex: I got you cj

Cj Point of View

Nagtagpo ang mga mata nila.

Walang umiwas.

Parang huminto ang oras sa ilalim ng malaking puno.

Hindi makapaniwala si CJ sa narinig.

Sa isip niya—

"Ito ba yung lalaking sinabi kong wala akong pakialam?

Ito ba yung president na ni hindi ko gustong kilalanin?"

Pero siya—

ang nasa tabi ko ngayon.

Siya ang nakikinig.

Siya ang nananatili.

Bahagyang nanginginig ang boses ni CJ.

CJ: Bakit… bakit mo sinasabi Yan sa'kin?

Tahimik si Alex.

Hindi agad sumagot.

Tinitigan lang siya.

Parang maingat na pinipili ang sasabihin.

Pagkatapos—

mahina siyang nagsalita.

Alex: Because I can't stand seeing you break.

Napasinghap si CJ.

Mas lumalim ang tingin ni Alex.

Alex: And because… whether you realize it or not—

Saglit siyang tumigil.

Halos pabulong.

Alex: You matter to me.

Napatigil si CJ.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi niya mahanap ang sasabihin.

Habang sa isip niya—

unti-unting bumabalik ang eksena sa classroom.

"Wala akong pakialam sa kanya."

At ngayon—

ang lalaking iyon…

ang tahimik na humahawak sa puso niyang unti-unti nang lumalambot.

---

Pero si CJ—

parang hindi na kayang tiisin ang bigat ng titig ni Alex.

Mabilis siyang umiwas ng tingin.

Bahagyang tumayo.

Pinunasan ang natitirang luha sa pisngi.

CJ: A-Aalis na muna ako…

Tahimik na tumingin si Alex sa kanya.

CJ: Babalik na 'ko sa mga kaibigan ko… baka hinahanap na nila ako.

Mahina ang boses niya.

Halatang naiilang.

Hindi dahil takot.

Kundi dahil hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya kapag malapit si Alex.

Tumango lang si Alex.

Alex: Alright.

Dahan-dahang tumalikod si CJ.

Nagsimula siyang maglakad palayo.

Pero dahil basa pa ang damuhan sa ilalim ng puno—

biglang nadulas ang paa niya.

CJ: Ah—!

Mabilis na tumayo si Alex.

Reflex.

Walang pag-aalinlangan.

Sa isang iglap—

nahawakan niya si CJ bago pa ito tuluyang bumagsak.

Isang kamay sa baywang.

Isang kamay sa likod niya.

Mahigpit.

Pero maingat.

Napatigil ang mundo.

Parang bumagal ang paligid.

Ang hangin.

Ang tunog ng mga dahon.

Ang oras.

Bahagyang nakatagilid si CJ sa mga braso ni Alex.

At sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

Ramdam ni CJ ang mainit na hininga nito.

Nanlaki ang mata niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya—

hindi lang kabayo.

Parang buong dibdib niya ay kumakabog nang sabay-sabay.

CJ: I-Ikaw…

Mahina.

Halos pabulong.

Hindi agad bumitaw si Alex.

Nakahawak pa rin siya sa baywang ni CJ.

Malamig ang mukha niya—

pero ang mga mata…

sobrang saya.

Sobrang lambot.

Parang natutuwa siyang nasa mga braso niya si CJ.

Mahina siyang nagsalita.

Alex: Careful.

Napalunok si CJ.

Hindi siya makagalaw.

Parang nakalimutan niyang huminga.

Bahagyang bumaba ang tingin ni Alex sa mukha niya.

Then to her lips.

Then back to her eyes.

Mas humina ang boses niya.

Alex: You always fall when I'm around?

Napakurap si CJ.

Namula agad ang pisngi niya.

CJ: H-Hindi no!

Bahagyang gumalaw ang labi ni Alex.

Halos ngiti.

Rare.

Soft.

Alex: Good.

Mas inilapit niya siya nang kaunti para siguradong hindi siya muling madudulas.

Alex: Because I'd rather catch you than watch you get hurt.

Tuluyang nanigas si CJ.

Parang may sumabog sa dibdib niya.

Hindi niya alam kung dahil sa kaba…

o dahil sa lalaking sobrang lapit.

Dahan-dahan siyang tumingala.

Magkalapit na magkalapit ang mukha nila.

Halos isang galaw lang—

magdidikit na.

Mahina ang boses ni CJ.

CJ: A-Alex…

Tahimik si Alex.

Nakatitig lang.

Parang nahuhulog.

Parang ayaw bumitaw.

At sa ilalim ng malaking puno—

habang wala ni isang student ang nakakakita—

unang beses na naramdaman ni CJ…

na delikado pala kapag si Alex Domenic ang sumalo sa'yo.

Dahil baka hindi lang katawan mo ang mahulog—

…pati puso mo.

Nananatili pa ring hawak ni Alex si CJ sa baywang.

Sobrang lapit nila.

Halos ramdam ni CJ ang bawat hininga nito.

At mas lalong hindi nakakatulong—

ang titig ni Alex.

Diretso.

Tahimik.

Parang pinag-aaralan bawat galaw niya.

Napakagat-labi si CJ.

Namumula na ang buong mukha niya.

Bumilis pa lalo ang tibok ng puso niya.

Hindi na niya kinaya.

Mahina pero nanginginig ang boses niya.

CJ: M-Maari ba… bitawan mo na 'ko, Mr. President?

Bahagyang tumaas ang kilay ni Alex.

Hindi umiimik si CJ.

Namumula pa rin.

Napayuko siya nang kaunti saka pabulong na nagsalita.

CJ: Kasi… baka matunaw na 'ko sa kakatingin mo.

Tahimik.

Isang segundo.

Dalawa.

At doon—

bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Alex.

Mabilis niyang binitiwan si CJ.

Maingat.

Dahan-dahan.

Parang ayaw pa.

Pero bumitaw rin.

Pagkabitaw niya—

bahagya siyang umiwas ng tingin sa kabilang side.

Ayaw niyang makita ni CJ…

na may maliit na ngiti sa labi niya.

Rare.

Totoo.

Tahimik siyang napabuntong-hininga.

At halos mahina lang niyang bulong—

Alex: Dangerous girl…

Hindi narinig ni CJ.

Pagkakatayo niya nang maayos—

halos hindi na siya makatingin kay Alex.

Namumula ang pisngi niya.

Hanggang tenga.

CJ: A-Aalis na talaga ako!

At bago pa may masabi si Alex—

tumakbo si CJ palayo.

Mabilis.

Halos nagmamadali.

Parang tumatakas sa sarili niyang nararamdaman.

Habang tumatakbo—

hawak pa niya ang dibdib niya.

Ramdam niya ang sobrang lakas ng tibok nito.

Sa ilalim ng puno—

naiwan si Alex.

Sandaling natigilan.

Nagulat.

Pagkatapos—

napatawa siya.

Mahina lang.

Mababa.

Totoong tawa.

Dahil naalala niya ang mukha ni CJ kanina—

sobrang pula.

Pilit umiiwas.

At halos natutunaw sa hiya.

Napailing siya habang nakangiti.

Alex: Cute.

Unti-unti niyang ibinalik ang malamig niyang aura.

Pero hindi ang ngiti.

At habang pinagmamasdan niya ang direksyon na tinakbuhan ni CJ—

isa lang ang malinaw sa isip niya.

She's already running… but not far enough from me.

More Chapters