CJ Point of View
Maingay pa rin ang classroom kahit break time.
Nasa pwesto si CJ kasama ang barkada niya—Lyn, Mich, Alfie, at Essa. Tuloy-tuloy ang kwentuhan at asaran, parang walang stress.
Hanggang sa sumingit si Alfie, nakangisi.
Alfie: CJ, honest question lang ha…
Napatingin si CJ.
CJ: Ano na naman 'yan?
Alfie: Wala ka bang kahit konting interest kay Alex Domenic?
Sandaling natahimik ang grupo.
Napakunot ang noo ni CJ.
CJ: Ha? Sino ba 'yon?
Nagkatinginan sina Alfie at Essa.
Alfie: Student Council president. Sikat sa campus.yung nagpakilala sayo nong nasa canteen tayo
CJ: Ah. Siya pala.
Kibit-balikat lang si CJ.
CJ: Wala akong pakialam sa kanya.
Essa: Grabe, zero talaga 😭
CJ: Bakit ko naman papansinin 'yon? Hindi ko naman siya kilala.
Napangiti si Lyn, kalmado lang.
Lyn: Okay lang 'yan, normal lang 'yan.
Pero si Alfie, hindi pa rin tapos.
Alfie: Not even curiosity?
CJ: Wala talaga. Next topic na.
Pinutol na ni CJ ang usapan at bumalik sa pag reading.
Para sa kanya, isa lang si Alex sa mga pangalan na naririnig niya sa school—walang meaning, walang epekto.
--
Alex Point of View
Sa Student Council Office, tahimik ang paligid.
Si Alex ay nasa desk, reviewing documents. Kasama niya sina Noah, Ivan, Noel, at Ethan—mga galing sa privileged backgrounds, sanay sa control at attention.
Pero kahit sila, curious sa usapan.
Noah: Bro, that girl CJ… she's really popular. Everyone talks about her.
Ivan: Yeah, she stands out.
Ethan: I bet she already has someone.
Huminto si Alex sa ginagawa niya.
Sandaling katahimikan.
Noel: Real talk, it's impossible she's single.
Dahan-dahang ibinaba ni Alex ang papel.
Alex: Stop talking.
Napatingin silang lahat.
Noah: Chill lang, we're just—
Alex: I said stop talking about her.
Tahimik.
Tumayo si Alex, kinuha ang blazer niya.
Alex: You don't know her.
Lumabas siya ng office nang walang dagdag na salita.
---
Hallway
Habang naglalakad si Alex sa hallway, napadaan siya sa glass window.
Nakikita niya si CJ—masaya, tumatawa kasama ang barkada niya.
Walang awareness na pinapanood siya.
Sandaling huminto si Alex.
Mahina ang boses niya.
Alex: She doesn't even know I exist…
Saglit na katahimikan.
Alex: Yet everyone speaks like they know her.
Nagpatuloy siya sa paglakad papunta kung nasaan si cj.
Napahinto sya bigla sa may window Kasi nasa tapat man lang ang magkakaibigan nag kwentuhan
Hindi nya sinasadya na pakinggan ang mga sinasabi
CJ Point of View (Classroom)
Alfie: CJ, seryoso lang ha… last question ko na 'to.
Napatingin si CJ sa kanya, halatang tinatamad pero nakikinig pa rin.
CJ: Ano na naman 'yan, Alfie?
Alfie: May idea ka ba kung sino si Alex Domenic?
Napakunot ang noo ni CJ.
CJ: Hindi ba naikuwento n'yo na 'yan sa'kin kahapon? Bakit ba paulit-ulit n'yo siyang binabanggit? About Alex Domenic na sila raw ang may-ari nitong university… why naman? Kahit sila pa, I'm not interested kung sino man sila.
Nagkatinginan sina Alfie at Essa, parang hindi makapaniwala.
Alfie: Student Council President 'yon. Super handsome! Kung kagaya n'yo lang ako, baka magkagusto sa'kin si Alex—my prince!
Lyn: YUCK!
Alfie: WOW ha, maka-yuck!
CJ: Ah… siya pala Yung President.
Napailing si CJ at bahagyang natawa.
CJ: Wala akong pakialam sa kanya. Hindi ko naman siya kilala. At kahit kilala ko pa siya, hindi ko sasayangin oras ko sa president na 'yan.
Napatawa si Essa, parang hindi makapaniwala.
Essa: Grabe, literal zero interest 😭
CJ: Bakit ko naman papansinin 'yon? Normal student lang din naman siya para sa'kin.
Napangiti si Lyn, kalmado lang ang tono.
Lyn: Okay lang 'yan, CJ. Hindi naman required magka-interest sa kahit sino.
Pero si Alfie, hindi pa rin tumitigil.
Alfie: Eh kahit curiosity man lang? Lahat kasi dito sa school, kilala siya.
CJ: Wala talaga, Alfie. Kung importante siya sa'kin, baka matagal ko nang inalam kung sino siya. Pero hindi. Hindi siya importante sa buhay ko. Tara na nga, pumunta na tayo sa canteen. Gutom na gutom na 'ko.
Napailing na lang si Alfie habang nagsitayuan silang lahat.
Alex Point of View (Hallway)
Bago pa man makalabas ang magkakaibigan, umalis agad si Alex sa pwesto niya sa may bintana kung saan hindi niya sinasadyang marinig ang usapan.
Mahigpit ang panga niya. Tahimik. Controlled.
Hindi siya galit.
Pero may kung anong mabigat na tumama sa dibdib niya.
"Hindi siya importante sa buhay ko."
Paulit-ulit 'yon sa isip niya.
Habang naglalakad siya palayo sa hallway, mabagal ang mga hakbang niya.
Hindi niya inaasahang marinig 'yon.
Hindi rin niya inaasahang masasaktan siya.
Mahina siyang napatawa, pero walang saya.
Alex: Normal student lang din pala ako sa paningin mo…
Saglit siyang tumigil.
Nakatitig lang sa sahig.
Alex: Good.
Tumuwid siya, ibinalik ang malamig na ekspresyon sa mukha.
Alex: Then I'll stay exactly that.
Naglakad siya palayo.
Tahimik.
Pero mas mabigat kaysa kanina.
Naglakad si Alex palayo sa hallway hanggang makarating sa malaking puno sa likod ng campus—isang tahimik na lugar na bihira puntahan ng students.
Napabuntong-hininga siya.
Tahimik siyang umupo sa damuhan, sumandal sa puno, at pumikit.
Pagod sa isip.
Pagod sa narinig.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya.
---
CJ Point of View
Nasa canteen na ang magkakaibigan pero tahimik si CJ.
Halatang wala sa sarili.
Bigla siyang tumayo.
CJ: Alis lang muna ako, ha.
Napatingin sina Mich at Lyn.
Mich: Saan ka pupunta?
CJ: Magpapahangin lang.
Lyn: Bakit? May problema ba?
Bahagyang ngumiti si CJ, pero halatang pilit.
CJ: Wala naman… gusto ko lang muna mapag-isa.
Tahimik na tumango si Lyn.
Lyn: Sige. Ingat.
Pagkaalis ni CJ, napabuntong-hininga si Alfie.
Alfie: Hayaan muna natin siya… baka hindi siya okay. Pero bakit kaya? Anong problema ni CJ?
Napailing si Essa.
Essa: I don't know. But we need to know… not now. Let her be alone muna.
Tumahimik silang lahat.
Mich Point of View
Napabuntong-hininga si Mich habang nakatingin sa direksyon na pinuntahan ni CJ.
Mich (sa isip niya): Bakit kaya gano'n na lang ang nangyari kay CJ? Pumunta lang naman siya sa banyo… pero pagbalik niya, parang may mabigat nang dinadala.
Tahimik si Lyn, pero halata ang pag-aalala sa mukha nito.
Lyn: Mga friend… ano kaya ang nangyari kay CJ? Alam ko… hindi siya okay.
Tumango si Alfie.
Nakasandal siya sa desk habang seryoso ang tingin.
Alfie: Alam ko rin 'yan, girl. Pakiramdam ko… may nag-bully sa kanya dito.
Nanlaki nang bahagya ang mata ni Mich.
Humigpit ang panga niya.
Mich: Kung may nang-bully kay CJ… malalagot sila.
Napakunot-noo si Essa.
Essa: Bakit naman?
Nagkatinginan sina Mich, Lyn, at Alfie.
Parang may alam silang hindi pa sinasabi.
Si Lyn ang unang nagsalita.
Lyn: Tama si Mich.
Bahagya siyang ngumiti.
Lyn: Alam kong hindi hahayaan ni Alex Domenic na may mangyari kay CJ.
Napataas ang kilay ni Essa.
Essa: Wait… bakit parang sure na sure kayo?
Napatawa nang mahina si Alfie.
Alfie: Kasi obvious na, girl.
Tumayo siya at tumingin sa kanila.
Alfie: At hindi rin naman natin hahayaan na may mag-bully kay CJ.
Tumango si Mich.
Mich: Besides… matagal na naming napapansin.
Si Mich at Lyn ay officers din ng Student
Council, kaya madalas nilang nakakasama si Alex.
At doon nila nakita ang unti-unting pagbabago nito.
Mula sa malamig at seryosong president—
papunta sa lalaking unti-unting nagiging protective kay CJ.
Flashback (Mich's Point of View):
Tahimik ang student council room noon. Nandoon sina Mich, Lyn, Noah, Noel, Ethan, at Ivan na may kanya-kanyang ginagawa. Si Ethan nakasandal sa mesa habang inis na naman si Mich dahil ginugulo siya nito. Si Ivan naman pasulyap-sulyap kay Lyn, habang si Lyn kunwari hindi napapansin pero namumula na.
Biglang dumating si Allex. Seryoso ang mukha nito, pero kalmado pa rin.
Allex: "Mich… Lyn… may sasabihin ako."
Napatingin agad ang dalawa.
Mich: "Grabe, seryoso mo naman. Ano 'yon, bro?"
Lumapit si Allex at bahagyang ibinulsa ang kamay.
Allex: "Kapag may mag-bully kay CJ… sabihin niyo agad sa akin."
Natahimik sila.
Lyn: "Ha? Bakit parang sobrang protective mo naman?" sabay taas-kilay.
Napabuntong-hininga si Allex.
Allex: "Because she's important… ayokong may mangyaring masama sa kanya nang hindi ko alam."
Napatingin si Mich kay Lyn. Pareho silang napangiti.
Mich: "Uy… teka lang. 'Important' agad?"
Lyn: "Bro… may iba na 'yang tono mo ah."
Umiwas ng tingin si Allex pero halatang naiilang.
Sa gilid, sumingit si Noah habang nakangisi.
Noah: "Aba, aba… si President mukhang tinamaan na."
Tumawa si Noel.
Noel: "First time ko marinig si Allex magsalita nang ganyan tungkol sa babae."
Napairap si Allex.
Allex: "Shut up."
Biglang tumawa si Ivan, pero saglit ding tumingin kay Lyn.
Ivan: "Pero seryoso… obvious naman. Iba tingin mo kay CJ."
Napansin ni Lyn na nakatingin sa kanya si Ivan. Umiwas siya pero halatang kinikilig.
Lyn: "Ikaw ah… focus ka dito."
Ngumiti lang si Ivan.
Sa kabilang side, si Ethan naman sumandal sa upuan ni Mich.
Ethan: "Eh ikaw Mich, bakit parang kinikilig ka rin?"
Napairap si Mich.
Mich: "Manahimik ka nga Ethan. Lagi ka nalang bwisit."
Tumawa si Ethan.
Ethan: "Galit ka nanaman. Cute mo kapag naiinis."
Mich: "Isa pa, sasampalin kita."
Mas lalo silang tinukso nina Noah at Noel.
Napailing si Allex pero bumalik sa seryosong tono.
Allex: "I mean it. Kapag may umapi, nang-asar, o may gumawa ng masama kay CJ… sabihin niyo agad sa akin. Hindi ko hahayaang mapabayaan siya."
Tahimik sandali ang lahat.
Doon unang nagkatinginan sina Mich at Lyn.
Doon nila unang naramdaman…
na hindi lang concern si Allex kay CJ.
May gusto na talaga siya.
Mich: "Don't worry, bro. Sabihin namin sa'yo."
Lyn: "Yeah… kasi obvious naman. Nahuhulog ka na kay CJ."
Bahagyang ngumiti si Allex pero umiwas ng tingin.
Hindi na siya tumutol.
At doon nila unang nalaman…
na may nararamdaman na si Allex para kay CJ.
End Flashback
Mich: kaya wag Tayo mag alala Kasi alam natin Hindi hahayaan masaktan ni allex si cj
Bumalik na Sila Sa classroom.
