Cherreads

Chapter 2 - Chapter 1: Unknown Guy

CJ's Point of View

Gabi na noon. Tahimik ang buong bahay habang nakahiga si CJ sa kama, hawak ang cellphone at walang tigil sa pag-scroll sa social media dahil hindi siya makatulog.

Biglang may nag-pop na notification.

Unknown User sent you a message.

Napakunot-noo si CJ. Hindi siya madalas makatanggap ng chat mula sa hindi kilalang tao. Nagdalawang-isip siya kung bubuksan ba ito, pero dahil sa curiosity, pinindot niya.

Unknown: Hi.

CJ: Hello? Sino po sila?

Unknown: You don't know me. But I saw your profile, and I just wanted to say hi.

CJ: Ah… okay? Bakit ako?

Unknown: Hmm… I don't know. You seem interesting.

Napairap si CJ habang nakatitig sa screen.

CJ: Ang weird mo naman.

Unknown: Maybe. But weird people are sometimes interesting.

Napatawa si CJ.

CJ: Hahaha. Sige nga, ano name mo?

Unknown: Call me Allex.

Napahinto si CJ.

Mukhang mahilig mag-English ang ka-chat niya, pero halatang naiintindihan din nito ang Tagalog. Napaisip siya kung kilala ba siya nito o baka pinagtritripan lang siya.

"Wala naman akong kilalang Allex sa school o dito sa bayan namin… OMG. First time may nag-chat sa akin na hindi ko kilala. Aaminin ko, lahat ng kachat ko puro kaibigan ko lang at parents ko…"

Na-realize niya na may ka-chat pa pala siya.

CJ: Ikaw ba foreigner?

Allex: No. Filipino. I just prefer speaking in English most of the time.

CJ: Ahh, kaya pala. Akala ko ibang lahi.

Allex: Nope. Pure Filipino. Marunong naman ako mag-Tagalog, don't worry.

Napangiti si CJ nang hindi niya namamalayan.

Hindi niya alam kung bakit… pero parang may kakaibang gaan sa pakikipag-usap sa estrangherong ito.

Lumipas ang ilang minuto. Tuloy-tuloy ang chat nila—random topics, simpleng tanong, at kaunting tawanan.

Pero bago matapos ang gabi, biglang nag-send si Allex ng mensahe.

Allex: Can I ask you something?

CJ: Ano yun?

Allex: Do you have a boyfriend?

Natigilan si CJ habang nakatitig sa screen.

Hindi niya alam…

Pero pakiramdam niya…

ito pa lang ang simula.

---

Alex's Point of View

Napahiga si Alex sa kama niya habang hawak ang cellphone.

Nakatitig siya sa huling chat ni CJ.

CJ: Goodnight, weird guy.

Napangiti siya.

Weird guy.

Ilang beses niyang binasa ang mensahe bago marahang napapikit.

At doon…

bumalik ang alaala niya.

---

Flashback…

Maagang umaga noon sa Academic Domenic University.

Punong-puno ang campus ng estudyante—may nagmamadaling pumasok, may nagkukwentuhan, at may mga abalang naglalakad sa hallway.

Dahan-dahang huminto ang itim na mamahaling kotse sa harap ng main building.

Bumaba si Alex Domenic.

Suot ang mamahaling relo, maayos na uniform, at malamig na ekspresyon sa mukha.

Isa siya sa pinaka-sikat na estudyante sa university.

Hindi lang dahil gwapo, matangkad, at mayaman siya…

kundi dahil siya rin ang anak ng may-ari ng Academic Domenic University.

Halos lahat ng babae sa campus may gusto sa kanya.

Pero wala siyang pakialam.

Sanay na siya sa atensyon.

Kasama niya ang apat niyang matalik na kaibigan—Noah, Ivan, Noel, at Ethan.

Sikat silang lima sa buong campus.

Habang naglalakad sila sa hallway, biglang bumagal ang hakbang ni Alex.

Sa kabilang side ng corridor…

may isang babaeng naglalakad habang yakap ang libro sa dibdib.

Mahaba ang buhok.

Simple ang suot.

Walang make-up.

Walang kaartehan.

Pero may kakaibang ganda.

Si CJ.

Tahimik lang itong naglalakad, tila walang pakialam sa ingay ng paligid.

Huminto si Alex.

Hindi maalis ang tingin niya.

Parang bumagal ang mundo.

Noah: Bro? Why are you staring?

Ivan: Don't tell me… may type ka na?

Ethan: That's new.

Noel: Sino ba 'yan?

Tahimik si Alex.

Hindi niya maintindihan.

Marami na siyang nakilalang babae.

Maraming magaganda.

Maraming may gusto sa kanya.

Pero bakit sa simpleng binibining iyon…

parang may kakaiba?

Hindi ito nagpapapansin.

Hindi ito tumitingin sa kanya.

Simple lang.

Natural.

At totoo.

Doon lang siya nagsalita.

Alex: Find out her name.

Nagkatinginan ang apat.

Noah: Grabe. Serious ka?

Ivan: Bro… first time 'to ah.

Alex: Just do it.

Nagtanong-tanong sila sa campus.

At ilang minuto ang lumipas…

nalaman nila.

"Cris Jean Dureal… pero CJ ang tawag sa kanya."

Napangiti si Alex.

Sa unang pagkakataon…

may babaeng nakakuha ng atensyon niya nang hindi man lang sinusubukan.

---

Kinagabihan…

Nasa loob siya ng malawak na kwarto sa mansion nila.

Tahimik.

Malamig.

Kompleto sa lahat.

Pero nasa isip niya pa rin ang babaeng nakita niya sa hallway.

Binuksan niya ang cellphone.

At hinanap ang pangalan nito sa Facebook.

Cris Jean Dureal.

Nang makita niya ang profile picture nito…

napangiti siya.

Alex (mahina): So your name is Cris Jean Dureal… such a beautiful name.

Napahawak siya sa baba niya habang nakatitig sa screen.

Hindi niya alam kung bakit.

Pero gusto niya itong makilala.

Hindi bilang anak ng may-ari.

Hindi bilang sikat na estudyante.

Kundi bilang simpleng lalaki.

Kaya nag-ipon siya ng lakas ng loob.

At nag-message.

Alex: Hi.

---

End of Flashback…

Muling iminulat ni Alex ang mga mata niya.

Nasa present na ulit siya.

Hawak pa rin ang cellphone.

Hindi alam ni CJ…

na ang simpleng "Hi" ay nagsimula sa isang tingin sa campus.

At hindi rin alam ni Alex…

na baka ang simpleng babaeng iyon…

ang unti-unting magbabago sa buhay niya.

Allex: Tulog ka na ba?

Nakatitig si CJ sa screen.

Kakapatong lang niya ng cellphone sa unan nang biglang umilaw ulit ito.

Napakagat-labi siya.

"Bakit parang hinihintay ko chat nito?" bulong niya sa sarili.

Saglit siyang nagdalawang-isip bago nag-reply.

CJ: Hindi pa. Bakit?

Halos agad ang reply.

Allex: Good. Akala ko nakatulog ka na.

Napakunot-noo si CJ habang napapangiti.

CJ: Ba't? May importante ka bang sasabihin?

Saglit bago sumagot si Allex.

Allex: About my question earlier…

Natigilan si CJ.

Naalala niya agad.

"Do you have a boyfriend?"

Napahiga siya nang maayos habang nakatitig sa kisame.

Hindi niya alam kung bakit parang bumibilis tibok ng puso niya.

CJ: Wala.

Ilang segundo ang lumipas.

Typing…

Typing…

Typing…

Biglang nag-pop ang reply.

Allex: Good.

Napaupo si CJ.

CJ: Ha? Good talaga?

Allex: I mean… good to know.

Napairap si CJ pero napapangiti.

CJ: Weird ka talaga.

Allex: I told you. Weird people are interesting.

Napatawa si CJ.

Tahimik ang gabi pero buhay na buhay ang isip niya.

Maya-maya, nagtanong si Allex.

Allex: Can I ask one more thing?

CJ: Ano na naman?

Allex: If ever… may manligaw sayo, bibigyan mo ba ng chance?

Natigilan si CJ.

Napakagat siya sa labi.

Hindi niya alam kung simpleng tanong lang ba iyon…

o may ibig sabihin.

Unti-unti siyang nag-type.

CJ: Depende… kung sino.

Sa kabilang screen…

napangiti si Allex.

At sa unang pagkakataon…

hindi lang curiosity ang naramdaman niya.

Kundi interes.

At baka…

mas higit pa doon.

Cj Point of View

CJ: Alam mo, tulog lang 'yan… matutulog na ako. Good night, Mr. Weird.

Allex: Good night, CJ.

Hindi na sumagot si CJ.

Hindi na rin niya nireplyan pa si Allex.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone sa tabi ng unan.

Ramdam na niya ang bigat ng talukap ng mata niya—kanina pa siya inaantok pero hindi lang makatulog dahil sa chat nila.

Humiga siya nang maayos, humarap sa gilid, at pinilit ipikit ang mata.

Habang unti-unting nilalamon siya ng antok…

sumagi pa rin sa isip niya ang pangalan na "Allex."

Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang epekto sa kanya ang simpleng gabing 'yon.

Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Tahimik na ulit ang kwarto.

At sa unang pagkakataon sa gabing iyon…

hindi na cellphone ang hawak niya.

Kundi katahimikan na.

More Chapters