Pinatapos ng FTT ang teams na naglaban ngayong gabi dahil sa kagustuhan ni Coach Dang at matapos ang laban ng Silence sa 7 Esports nung game 1 nagpaalam na si LittlePrince na umalis kasama ang kanilang analyst. Naiwan ang kanyang mga teammates at coach ngunit matapos ang match ng Silence at 7 Esports ay umalis narin sila. Pagkatapos ng match ng Silence, si Ning naman ang umupo doon sa upuan ni LittlePrince kasama ang kanilang coach.
Panalo ang Silence sa 7 Esports sa score na 3-1 at makikitang nakangiti si Ning nang pumunta siya kanina sa bench at bahagya pang inasar sina Jacian at Just. Sumeryuso narin ang kanilang topic nang magsimula ang game para sa dalawang teams na maglalaban ngayong gabi. Walang masyadong highlights ang huling match at halos dalawin na sila ng antok, sa huli nagkwentuhan nalang sila hanggang sa matapos ang series.
Sa tagal ng kwentuhan nila napunta pa kay Water ang kanilang topic dahil nag-retired na si Water ngayong season na dating captain ni Ning sa RG. Alam ni Ning ang tungkol dito dahil trending iyon nakaraan sa hot search, pumunta ng Europe si Water para doon magpagamot at sinabi naman ni Ning na siya ang nagsundo kay Water sa airport dahil tinawagan siya ni Crowd na walang susundo kay Water.
"Hindi kayo nag-usap?" Tanong ni Just.
Umiling naman si Ning. "Malaki ang galit nun sa akin." Sagot niya at tinanggal ang patch sa likod ng kanyang palad habang nakasandal sa upuan.
"Kamusta naman ang injury niya?" Tanong ni Jacian.
Ilang segundong natahimik si Ning bago siya umiling para sabihing hindi niya alam. Pinupuntahan niya si Water sa hospital para dalawin ngunit hindi naman binibigay ni Water sa kanya yung prescription tungkol sa injury niya at sinubukan niya ring kausapin si Water ngunit hindi ito interesadong kausapin siya at lagi itong nanonood ng TV. Walang ideya si Ning kung anong kalagayan ng injury ni Water, hindi rin siya nito nilinga nang magpaalam siyang pupunta sa Saudi para sa global competition, sinagot lang siya nito ng malamig na, "Hindi mo naman kailangang magpaalam, hindi ko kailangan ng kasama." Kwento ni Ning.
Kilala si Water sa PKL bilang pinakalively na pro player kaya kilalang kilala siya ng mga fans, hindi man lang nila nakitang bad mood si Water dahil kahit sa social media at gc ay good mood parin ito. Ilang araw na tuloy tahimik ang kanilang gc nang mag-left ito, puro congratulations lang ang laman ng history at liban doon wala na. Sa kwento ni Ning, parang hindi na iyon si Water na kilala nila. Maging si Ning ay natahimik nalang dahil sa cold treatment ni Water sa kanya, inaasahan niya na ang galit ni Water ngunit hindi niya inaasahan na tatagal iyon. Halatang sagad ang galit sa kanya ni Water.
Alam ni Ning na siya ang dahilan nung injury ni Water dahil nung umalis siya sa RG, doon na nagsimula ang mahabang training ni Water. Sobrang hirap hanapin ang rhythm kapag nasira na iyon kaya literal na back to zero si Water nung umalis si Ning dahil sila ang dou ng kanilang team, hindi kasing lakas ni Ning ang bagong clash laner ng RG at hindi pa malalim ang kanilang tacit understanding kaya kinailangan ni Water magpalakas. Para maging malakas siya lagi siyang nakatambay sa training room at halos hindi na lumalabas, kahit day-off at offseason hindi umaalis sa base si Water kahit ilang beses nilang yayain, iyon ang sinabi ni Crowd sa kanila noon. Hanggang sa nakalimutan na nila ang tungkol doon at naaalala uli nang sabihin ni Crowd sa gc bago magsimula ang knockout stage na tatlong araw nang nasa training room si Water. Nagulat sila ngunit tinanggap nila iyon as a joke, hanggang sa lumabas ang announcement ng RG na injured si Water at kailangang pumunta sa Europe para doon magpagamot.
Iyon ang pinakamalungkot para sa e-sports players lalo na kung hindi pa nakukuha ang world cup pero kailangan ng mag-retired. Sobrang sakit nun at siguradong nadedepressed na ngayon si Water. Hindi lang dahil sa nakakalungkot na retirement niya kundi pati narin sa financial.
_
Pagkatapos ng match, bumalik narin sa hotel ang FTT at dumeritso sa kanilang room. Sinabi ni Coach Dang na matulog na sila pagkatapos kumain dahil may match pa sila bukas ng hapon. Ngunit nanatili namang gising sina Jacian at Just habang nanonood ng match ng Chongqing Prince.
Nakayuko si Jacian habang tahimik na nagsusulat sa kanyang notebook habang nasa tabi niya si Just na nakasandal sa upuan at abala iyon sa cellphone, nakapasak sa tenga nito ang isang earphone habang hawak nito ang isa para marining ang sinasabi ng commentators. Tahimik sa loob ng kanilang room at tanging boses lang ng commentators na nanggagaling sa laptop ni Just ang maririnig ngunit maya-maya lang nagvibrate at umilaw ang cellphone ni Jacian at nag-popped up ang isang message.
[小王: Magkita tayo pagkatapos ng match niyo.]
Nang mabasa iyon ni Jacian, kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at binuksan ang message. Tiningnan niya si Just na nasa tabi niya at ibinalik uli ang paningin sa cellphone.
"Big spender mo?" Tanong ni Just.
Tumango naman si Jacian at nagtipa ng reply. "Mm, sabi niya magkita kami pagkatapos ng match." Sagot ni Jacian. May match sila bukas at sa susunod na araw kaya hindi niya alam kung anong ibigsabihin nitong pagkatapos ng match. Tinanong niya iyon at agad namang nag-reply si Xiaowang.
[小王: Bukas. I-sesend ko ang location.]
[Just Call Me Boss: Noted.]
Nilapag niya na ang kanyang cellphone sa mesa at tiningnan si Just. "Bukas." Aniya.
"Mn. Ihahatid kita."
"Okay." Nakangiting saad ni Jacian at nilapitan si Just para halikan ito sa mukha, hinawakan niya ang kabilang pisngi ni Just para ilapit ang mukha nito at halikan ang dalawang nunal sa kaliwang pisngi.
Mataman siyang tiningnan ni Just at inangat nito ang kanyang kamay para pisilin ang pisngi ni Jacian.
Jacian: "?"
"Tumataba ka na." Seryusong saad ni Just sa harap ng kanyang mukha.
Jacian: "..." Tiningnan naman ni Jacian ang kanyang sarili at hinawakan ang kanyang bewang. "Talaga? Gusto ko ngang tumaba." Aniya.
"After 2 years wala ka ng leeg." Saad ni Just na ikinatawa ni Jacian.
"Parang si Coach Dang lang." Natatawang saad niya na tinanguan ni Just, ngunit ilang segundo ang makalipas nang makarinig sila ng ilang katok sa pinto ng kanilang room. Si Jacian na ang tumayo para buksan iyon at nakitang nakatayo si Coach Dang sa labas ng kanilang pinto, magsasalita na sana ito ngunit hindi iyon natuloy nang bigla itong mapabahing.
Napasinghot si Coach Dang at bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa pagtataka. Mainit pa sa Saudi kaya imposibleng napasukan siya ng lamig. "Sinong nangbabackstab sa akin?" Mahinang tanong niya sa kanyang sarili ngunit narinig parin iyon ni Jacian.
Jacian: "..."
Tuluyan niya ng binuksan ang pinto para papasukin si Coach Dang pero sinabi ni Coach Dang na hindi na siya tutuloy at may gusto lang siyang ibigay kay Just. Sinara na ni Jacian ang pinto at naglakad patungo sa mesa at inabot kay Just ang flashdrive na agad namang sinaksak ni Just sa USB socket pagkatapos niyang tanggalin ang sarili niyang flashdrive.
Binuksan ni Jacian ang bottled water at uminom bago siya umayos ng upo para manood ng match. Puro highlights lang iyon ng mga teams na nasa group C at D, at kanina pa rin sila nanonood ng mga highlights lalo na ng MPG at CP kaya nakaramdam ng buryong at antok si Jacian pagkatapos ng ilang gameplay, halos gameplay din ng MPG ang laman ng mga files na nasa flashdrive ni Coach Dang kaya mas lalong nakaramdam ng buryong si Jacian. Magaling ang MPG at masasabing may highlights ang bawat match nila pero sa dami ng highlights na napanood ni Jacian hindi na siya na-amazed at nakaramdam na ng buryong.
Kinuha niya nalang ang kanyang cellphone at binuksan ang Melon para maghanap ng memes ngunit naagaw ang atensyon niya sa isang post na nasa kanyang newsfeed.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto at nilinga si Just. "Malapit na pala ang birthday mo." Saad niya.
Nanatili namang nakaharap sa laptop si Just at nagpakawala ng 'Mn.'
Ngumiti si Jacian. "Anong gusto mong regalo?"
Tiningnan siya ni Just. "Gusto ko ng individual championship trophy."
"Sasali ka?" Tanong niya. Nabasa niya sa update ng HoK Esports nung nasa playoffs palang sila ng PKL na may magaganap na global individual competition sa KWC at hindi na p'wedeng sumali yung mga players na nag-champion na noon, at dahil tatlong beses nang naging champion si Just hindi na siya p'wedeng sumali.
Inilingan naman siya ni Just. "Trophy mo. Ikaw ang sasali sa individual competition." Kalmadong sambit niya.
Bahagyang nagulat si Jacian. Isa lang sa isang team ang p'wedeng sumali ayun sa post ng HoK Esports at hindi niya na binigyan ng atensyon iyon dahil alam niyang si Blue na ang maglalaro bilang pinakamagaling na clash laner sa PKL. Hindi niya naisip na isali ang sarili niya sa individual competition.
"Ako?" Tinuro ni Jacian ang kanyang sarili at napailing. "Imposible." Saad niya at pinagpatuloy ang pag-scroll.
"Wala ka bang balak sumali sa Individual competition?" Seryusong tanong ni Just. "Kung hindi ako nagkakamali nasabi mo sa akin noon na gusto mong maging pro player pero ayaw mo ng may team dahil mahirap sabayan ang rhythm mo." Kalmadong lintaya ni Just.
Saglit namang napahinto si Jacian at inisip ang sinabi ni Just. Gusto niya talagang sumali sa Individual competition noon at sinabi niyang kung papasok siya sa e-sports circle o sa isang team mas gugustuhin niya nalang maging substitute player dahil ang isang substitute player ay walang ibang gagawin kundi ang umupo sa bench at hintayin na sumama ang pakiramdam ng starter bago siya makakapaglaro. Ngunit p'wede siyang sumali sa Individual competition dahil karamihan ng mga sumasali sa individual competition o doubles ay mga substitute players.
"November 11 na ang birthday mo, sa 25 pa ang individual competition." Saad niya.
Umiling si Just: "It's fine."
"Susubukan ko." Sagot ni Jacian.
_
Kinabukasan, tanghali pa nang pumunta sila sa venue para sa Day 2 ng groups stage at 7 Esports ang makakalaban nila ngayong araw. Ngayon lang nila makakalaban ang 7 Esports dahil nang magpa-schedule si Coach Dang ng practice match sa kanila ay ni-reject sila. Maaga ang start ngayon ng tournament dahil inabot ng gabi kahapon at gusto ng KWC na matapos ng 5 or 6 p.m ang match, kaya maaga silang nagsimula.
Umakyat na sa stage ang dalawang teams para simulan ang ban/pick phase. Napanood nila ang match ng Silence sa 7 Esports kahapon at natalo sila ng Silence. Hindi ganun kalakas ang 7 Esports kaya hindi rin mabigat ang pressure sa FTT, kalmado lang nilang sinimulan ang ban/pick phase.
Inayos ni Jacian ang kanyang noise-cancelling headphones matapos ikabit ng referee ang heart-rate monitoring watch sa kanyang pulsuhan. Nasa blue side ang 7 Esports at nasa red side naman ang FTT. Kumuha kaagad ng marksman hero ang FTT at kinuha kaagad nila si Hou Yi na signature hero ni Lucky. Hindi iyon binan ng 7 Esports at hindi rin nila binan si Augran ngunit kinuha nila si Augran para sa kanilang jungler.
Umangat ang dalawang kilay ni Lucky. "Hindi talaga binaban si Augran unless gustong kunin ng kalaban." Saad niya. "Okay, let's see." Sarkastikong aniya.
Natigil naman siya nang hampasin siya ni Coach Dang ng notebook sa ulo. "Stop talking nonsense." Ani Coach Dang at binalingan si Jacian. "Just, kunin si Shi."
"Mn."
Kumunot ang noo ni Lucky. "Coach, si Boss 'yan hindi si Cap Tin."
"I know. Tiningnan ko si Boss kasi hero niya ang pipiliin at si Just ang kukuha." Ani Coach Dang. "Can you stop spouting nonsense!" May diing saad ni Coach Dang.
"Magsosolo ako sa farm lane ngayon." Biglang ani Gem sa kanilang noise-cancelling headphones.
"No way. Tatahimik na ako." Segunda kaagad ni Lucky.
Mabilis na natapos ang ban/pick phase dahil kung anong inaasahan nilang hero na kukunin ng 7 Esports ay iyon din ang lumabas. Kaya hindi na-pressure si Coach Dang at sinabihan si Jacian na siya ang magcommand.
