Si Mrs. Sojurn na ang nakipag-usap sa kompanya na kumuha kay Jacian mag-commercial, kailangan nalang nila pirmahan ang kontrata dahil gusto ng owner na si Jacian na ang mag-commercial ng kanilang products, pagkatapos ng agreement binigay ng assistant ang location ng studio kung saan sila mag-shooshooting.
Dalawang oras bago sila nakarating at dumeritso sila sa loob, kinausap muna si Jacian ng boss sa loob ng office bago nito binigay sa kanya ang kontrata, hindi naman makapal ang contract pero inanalyze parin iyon ng lawyer bago pumirma si Jacian.
Habang inaayusan si Jacian, nasa labas ng pinto si Just habang nagrereply sa gc nilang magkakaibigan. Bahagya siyang natawa at nagtipa ng reply ngunit habang nasa ganun siyang sitwasyon naramdaman niyang may tumapik sa kanyang braso. Nakatayo si Jacian sa kanyang harapan habang inaabot nito sa kanya ang cellphone, kakatapos lang ayusan ni Jacian at nababalutan ng manipis na powder ang kanyang mukha, maputi at makinis na ang balat ni Jacian kaya kunting foundation nalang ang nilagay sa kanya, inayos din ang kanyang buhok at nilagay sa magkabilang gilid kaya kitang kita ang kanyang mukha.
May mga kinuhang make-up artist ang kanilang club dahil kailangan nilang make-upan bago ang match para mas formal tingnan ayun sa PKL ngunit laging umaayaw si Jacian dahil hindi siya komportable. Ito ang unang beses na nakita niyang inayusan si Jacian at mas lalong gumwapo ang mukha nito.
"Captain, pahawak muna ako ng cellphone." Anito at mas inilapit pa kay Just.
Napasinghap si Just at kinuha ang cellphone sa kamay ni Jacian. Tumalikod na si Jacian at pumunta sa scene para gawin ang tinuro sa kanya ng director kanina. Naglakad naman si Just patungo sa sofa at umupo roon habang gumagawa ng commercial si Jacian sa loob, binuksan niya ang kanyang cellphone at nagdesisyong manood ng match ng HUV sa ibang team.
Palubog na ang araw nang matapos ang shooting at kasalukuyan nalang nilang ni-rerewatch ang video, nilipat ng director sa pinakahuling video para panoorin iyon.
"Ok nice! Ang ganda ng shoot dito kitang kita yung ekspresyon mo." Nakangiting saad ng director at nilinga si Jacian. "Para kang hindi nag-cocommercial ng gaming gear, para kang nag-cocommercial ng beauty products." Dagdag pa ng director at ini-paused ang video, pagkatapos tinanguan niya si Jacian. "Okay, good job."
Matapos nilang i-check ang video dinampot ni Jacian ang kanyang jacket sa sofa at lumabas ng room, nakita niyang naka-upo si Just habang nanonood ito sa cellphone ngunit agad itong tumayo nang makita siya.
"Wait, maghihilamos lang ako." Aniya at dumeritso sa CR.
Pagkatapos ng kanilang shooting, sumakay na sila ni Just sa kotse pabalik ng base ngunit habang nasa byahe ilang beses tumunog ang tiyan ni Jacian kaya nag-desisyon silang dumaan sa restaurant para kumain. Pagkatapos nilang kumain, pareho silang tinamad bumalik sa base kaya naisipan nilang pumunta muna sa pet mark para bilhan ng laruan si Spree. Humablot lang si Jacian ng ilang laruan at kwentas bago iyon nilagay sa counter, hindi na siya bumili ng marami dahil hindi naman mahilig maglaro si Spree, mas gusto nitong lumabas at makipag-away sa mga malalaking aso kaysa tumambay sa base. Pero magiging busy sila sa loob ng isang buwan dahil sunod-sunod ang kanilang match schedule at training kaya wala ng oras ang kanilang lead coordinator na palakad-lakarin si Spree. Siguradong mabuburyong nanaman sa loob ng base ang aso niya at maninira ng mga gamit kaya kailangan niya itong bilhan ng laruan.
Bumili rin si Just ng mga gamit ng aso at freezbee na kulay blue. Pagkatapos nilang dumaan sa pet mark nagdesisyon na silang bumalik ng base. Pagbalik nila sa base naabutan nilang naka-upo sa sofa si Gretil habang kumakain ng chocolate na nakalagay sa cup. Umayos ito ng upo nang makita ang kanilang dala.
"..wow, pasalubong." Anito at lumapit sa mesa nang ilapag doon ni Just ang kanyang dala.
"Walang pasalubong gamit ng aso 'yan." Saad ni Just habang kumukuha ng tubig sa water dispenser. Hindi naman nakinig si Gretil at hinalukay parin ang laman ng paper bag, dinukot niya ang pinakailalim nun hanggang sa mawarak ang paper bag, nagkalat tuloy sa mesa ang magkapares na sapatos ng aso kasama ang iba pang gamit. "Wala nga, ang kulit mo."
"Gusto ko 'to." Ani Gretil at kinuha ang kwentas.
"Pang aso nga 'yan, aso ka ba." Kukunin sana ni Just ang kwentas sa kamay ni Gretil ngunit nanakbo na ito paalis sa living room.
Habang inaayos ang mga gamit sa mesa tinawag ni Jacian si Spree at kaagad naman itong pumasok sa base at halos gumasgas na ang mukha sa sahig dahil sa sobrang excited. Ngunit nang makita nito si Just, huminto ito at nagsimulang tumahol.
Kinuha naman ni Jacian ang binili niyang malaking buto at hinagis iyon kay Spree. Kinagat iyon ni Spree habang gumagalaw ang buntot ngunit kaagad ding huminto at nilapag ang buto sa gilid para tahulan si Just.
Just: "..." Tahimik niyang inaayos ang mga gamit sa mesa ngunit napahinto siya nang walang tigil siyang tahulan ng aso ni Jacian.
Hinawakan ni Jacian ang ulo nito at kinuha ang buto para ibigay ulit kay Spree ngunit hindi na siya pinansin ni Spree, namumuti ang mga mata nito at nanginginig ang katawan sa galit habang nakatingin kay Just.
"Na-offend mo na ba ang aso ko noon?" Hindi mapigilang tanong ni Jacian. Lumalapit naman sa mga ka-teammates niya ang aso niya at sa kanilang lead coordinator, tanging kay Just lang ito ganito.
Umiling si Just. "Saan mo ba binili 'yang aso mo? "
"Hindi ko binili 'yan, napulot ko lang 'yan sa ulanan doon sa harap ng gate ng boarding house namin. Muntik pa nga kaming masagasaan ng van nung kinuha ko siya buti nalang nakahinto pa." Lintaya ni Jacian. Hinawakan niya ang katawan ni Spree at binuhat iyon para i-upo sa kanyang hita. Hindi niya alam kung may may-ari ba kay Spree o wala dahil bata pa ito nung nakita niya at sobrang payat, halos bakat na ang mahaba nitong buto sa likod at marami pang sugat. Hindi niya alam kung bakit naisipan niya pang ampunin si Spree sa kabila nang wala na rin siyang makain. Ilang sandali ang makalipas nang mapansin niyang tumahimik si Just kaya nilinga niya ito ngunit nakita niyang nakatulala ito na animo'y may malalim na iniisip.
"Captain." Tawag ni Jacian.
"Ikaw 'yun?" Biglang saad ni Just at binalingan siya nito.
Kumunot naman ang noo ni Jacian kasabay ng 'ha?'
"Family van namin yun, ako 'yung lalaking lumabas." Deritsong sagot ni Just.
Ngayon, si Jacian naman ang natahimik. Bahagyang gumalaw ang kanyang noo at umawang ang kanyang labi ngunit hindi niya alam ang sasabihin. Family van ng Sojurn? Naalala niya yung senaryo na tumakbo siya sa kalsada para kunin si Spree ngunit napapikit siya nang makita ang nagmamadaling itim na van patungo sa kanilang pwesto, yakap-yakap niya si Spree at pareho silang basa nang makaliko pa ang gulong ng van para itagilid at mapaliguan sila ng tubig na galing sa kalsada.
Natatandaan ni Jacian na lumabas ang lalaking nasa loob ng van at nilapitan sila, inabutan din sila nito ng pera at halatang nagmamadali ngunit tumanggi si Jacian, hindi narin nagpumilit pa ang lalaking yun at sumakay ulit sa van.
Family van ng Sojurn at si Just ang lalaking lumabas?
Yumuko si Jacian, hinimas niya ang ulo ni Spree at bahagyang natawa. "Small world." Nakangiting saad niya. Hindi siya makapaniwalang si Just ang lalaking yun. Ngunit ngayon naintindihan niya na, kaya pala galit na galit si Spree sa kanilang captain dahil nakikilala nito ang lalaking lumabas sa van na muntik na silang masagasaan.
Napa 'Mn' naman si Just sa sinabi niya. "Hindi ko rin in-expect na nagkita na pala tayo noon." Aniya. Nung time na pinanood nila ni Coach Dang ang livestream ni Jacian, napansin ni Just na pamilyar ang streamer na yun, alam niyang iyon yung lalaking katabi niya sa ML tournament ngunit sa tuwing tititigan niya ang mukha ibang senaryo ang pumapasok sa isip niya. Pakiramdam niya nagkita na sila noon hindi niya lang maalala. Wala pang kulay ang buhok ni Jacian noon nung nagkita sila ngunit pinakulayan na nito ng pink ang kanyang buhok kaya siguro hindi niya rin namukhaan.
"Kaya pala galit sa'yo si Spree." Ani Jacian at nilinga si Just. "Nag-hohold pa naman ng grudges 'tong aso ko."
Nagpakawala naman si Just ng mahinang tawa at sinad'yang abutan ng laruan si Spree ngunit lumabas kaagad ang dalawang pangil nito at hinarang pa ang kamay sa bewang ni Jacian na animo'y nilalayo kay Just.
Tumawa si Jacian. "Alam mo kung anong pinagsisihan ko sa lahat? Yung hindi ko pagtanggap dun sa pera na inabot mo." Naalala niyang umuwi sila nun nang walang kain at natulog nalang pagkatapos niyang paliguan si Spree.
Binuksan ni Just ang takip ng trash can na nasa tabi niya at hinulog doon ang paper bag, pagkatapos sumandal siya sa sofa.
"Gusto kong mag-sorry. Masyadong mabilis yung patakbo ko kaya hindi ko napansin na may tao sa daan." May bahid ng guilty na saad ni Just.
"Parang nagmamadali ata kayo."
"Yeah, malelate na sa meeting si mama." Saad ni Just.
Tumango lang si Jacian at hinalungkat ang mga gamit sa mesa. "Anong binili mo?" Pag-iiba niya ng topic.
Tiningnan naman ni Just ang mga gamit ng aso sa kanyang harapan at kinuha ang ilan doon. "Bumili ako ng dalawang pares ng sapatos. Kay Spree nalang 'tong isa." Ani Just ngunit nang banggitin niya ang pangalang 'Spree' tinahulan siya nito at tiningnan sa pamamagitan ng peripheral vision na animo'y kinikilatis siya.
Sabay naman silang natawa ni Jacian.
Mabilis na lumipas ang araw at nang magising sila sa sumunod na araw, match schedule na nila sa HUV. Inaantok pa ang mga players ng FTT dahil inabot sila ng madaling araw kaka-training kaya pare-pareho silang tulog sa team van hanggang sa marating nila ang parking lot. Nahuling magising si Jacian at halos suray siyang lumabas sa team van dahil sa antok mabuti nalang at mabilis siyang nahawakan ni Just para alalayan sa pagbaba.
Inakbayan siya ni Just at sabay na silang pumasok sa loob ng venue, pagpasok nila sa break room kaagad siyang umupo sofa para maghabol pa ng tulog. Umupo si Just sa tabi niya kaya sinandal niya ang kanyang sarili sa balikat nito habang nakatabon ang hood ng jacket sa kanyang mukha para takpan ang liwanag na nasa ceiling.
Natulog din sina Gem at Blue ngunit si Lucky ay nanatiling gising habang naglalaro ng PUBG sa kanyang cellphone. Natulog din si Just pagkatapos niyang mag-scroll sa kanyang cellphone at sinuksok iyon sa kanyang bulsa. Makalipas ang kalahating oras nang magising sila dahil sa lakas ng boses ni Lucky, si Blue ang unang nagising dahil katabi niya lang ito at hindi maiwasang hampasin ng sombrero sa ulo.
"Maglaro ka kung maglaro ka, h'wag kang sumigaw." Inis na ani Blue at umayos ng upo. Napakamot naman si Lucky sa kanyang batok.
Dinilat ni Jacian ang kanyang mga mata at tinanggal ang hood na nakatabon sa kanyang ulo, umalis siya sa pagkakasandal kay Just at piniling isandal ang likod sa sofa. May 10 minutes pa bago magsimula ang susunod na match kaya sinabihan sila ni Mrs. Sojurn na maghanda na. Sakto namang kumatok ang kanilang lead coordinator na may dalang kape kaya nagkape muna sila.
Ilang sandali ang makalipas nang lumabas na sila sa break room at umakyat sa stage. Umakyat narin sa stage ang HUV at umupo sa kanila-kanilang gaming chair ayun sa kanilang role. Pagkatapos ng countdown, nagsimula na ang ban/pick phase.
Binan kaagad ng HUV si Augran at Jing bilang respeto kay Just, binan naman ng FTT si Sun Ce para kay Alone at Dian Wei para kay Kai.
Ayun sa kanilang napagdesisyonan, si Lucky muna ang gagawin nilang core ngunit kung hindi sila makakakuha ng 75% win rate gagamit sila ng assasins hero sa game 2. Hindi ligtas si Hou Yi para sa line-up ng HUV kaya pinili ni Mrs. Sojurn na kunin si Di Renjie.
