Nang dumating ang araw ng match nila sa Fantastic Era, nasa hospital si Just kasama ang kanilang lead coordinator na si Lacey. Dahil hindi siya makapanood ng live sa mismong arena, inabot ni Lacey ang tablet kay Just para panoorin ang official live broadcast ng PKL.
Sa loob ng break room. Kumatok ang staff sa pinto at sinabihan ang team nila na maghanda na sa match. Sinabihan sila ni Mrs. Sojurn na pumunta na sa match area para i-check ang mga equipment, nang umakyat sila sa stage humina ang tilian ng mga fans nang makita si Mrs. Sojurn. Samantalang nag-ingay naman ang live chat.
[Oh shit! Babae talaga ang coach ng FTT?]
[I think, hindi 'yan ang problema dito. Ang main point dito is.....nagpalit ng coach ang FTT?!]
[Oo nga noh, bakit nga ba hindi na si Lan?]
[Halatang hindi niyo napanood 'yung live ni Lan nakaraan, sinabi ni Lan na tinanggal siya sa pagiging coach dahil kay Boss. Siya 'yung sinisi sa game 2 kaya tinanggal siya sa pagiging coach.]
[Desurb din kasi.]
[Tingnan niyo, nagpalit ng coach ang FTT. Grabe, kakawa si Boss dun sa game 2.]
[Tarantado pala 'yung coach ng FTT, hinamon pa si Boss ng 1v1 siya rin pala 'yung durog.]
[Ano kayo ngayong mga fans ni Lan? Ngayon kayo lumabas.]
[Ganda ng solo nila ni Boss eh, nag-trending pa sa Melon.]
[Wait bagong pauso ba 'to? Babaeng coach? Sino 'tong coach ng FTT, kamukha ni Just.]
[Bakit babae ang coach ng FTT? Magaling ba 'to?]
[Si Coach Sojurn 'yan, mama ni Just. Naging coach siya sa MWI dito sa Pilipinas na nag-champion.]
[After 4 years nakita nanaman natin si Coach Sojurn.]
[Di nga? Mama ni Just 'to? Ambata ng mukha, mas maniniwala pa ako kung ate 'to ni Just.]
[Sige, ipilit mo 'yan.]
[Mama niya nga, kulit ng lahi mo ah.]
[Sana si Coach Dang nalang ang coach, miss na namin coaching ni Coach Dang eh.]
[Maniwala kayo guys, parang si Coach Dang mag-coach itong si Coach Sojurn. Magkaibigan sila ni Coach Dang nung pumasok sila sa e-sports circle.]
[Wala si Just...?]
[........]
[Where's my husband?]
[Holy shit! Itong noob substitute jungler nanaman ang magiging jungler nila?!]
[Ano bang balak ng FTT every season? Magpalaglag sa playoffs, hanep 'yan eh hanggang knockout stage nalang ang naaabot nila.]
[Baka matalo pa sila ng fantastic era ngayong match.]
[Yung basura d'yan sa taas, kahit gaano pa kabasura ang teammate ng apo ko hinding hindi niya hahayaang matalo ang match.]
[Wala akong tiwala sa substitute jungler ng FTT pero may tiwala ako kay Boss.]
[Baka panibagong basura nanaman ang ipakita ng substitute jungler ng FTT ah. Iba na 'yan, hindi na 'yan kasama sa blue print.]
[LMAO.jpg]
Makalipas ang 5 seconds countdown nagsimula na ang ban/pick phase. Dahil wala si Just nakatakas si Augran sa ban spot ng Fantastic Era dahilan para matawa ang dalawang commentators.
Commentator Zia: "Wala si Just kaya wala rin sa ban spot si Augran. Actually lahat talaga ng teams noh? Kapag hindi si Just ang jungler hindi nila binabanned si Augran."
Commentator Waver: "Sobrang dami kasing hero na p'wedeng pang-counter kay Augran, combo ng Liang at Princess Frost or Lady Zhen plus may Chano pa, wala na hindi na makababad si Augran 'pag ganon."
Commentator Zia: "Oo noh? Pero kapag si Great Demon King na kasi 'yung humawak d'yan parang walang pang counter eh, 'yung pang-counter mo nalang 'yung ban spot."
Commentator Waver: "Yeah." Sabay na tumawa ang dalawang commentators.
Nasa blue side ang Fantastic Era at red side naman ang FTT, kumuha ng marksman ang Fantastic Era at hindi naman nagtaka ang FTT dahil katulad ng sabi ni Mrs. Sojurn, magaling ang Fantastic Era sa late game at marksman ang kanilang core.
Kinuha nila si Arli na siyang pinaka safe na hero sa marksman dahil meron siyang pantakas at mahirap i-counter, lalo na kapag magaling na player ang may hawak madalas walang nakakatalo kay Arli. Marami nga ang nagsasabi na kapag nakuha si Arli pero natalo parin, nasa player na ang mali.
Commentator Zia: "Actually, walang pang-counter kay Arli eh, kapag nakita niyong Arli 'yung marksman ng kabila ang kailangan mo nalang gawin d'yan h'wag mong pansinin."
Commentator Waver: "Tama, ang kailangan lang gawin ng FTT dito ay maghanap ng hero sa ibang lanes. Kasi Arli eh, kahit si Loong wala 'ring palag dito, hindi sila p'wedeng mag Loong sayang lang 'yung ult."
Matapos iyon sabihin ni Commentator Waver lumabas ang dalawang hero ng FTT. Kumuha kaagad sila ng jungler para hindi maubusan ng hero si White at clash lane hero para kay Blue.
Commentator Zia: "Yan na nga, kumuha lang talaga sila ng hero sa ibang lane."
Commentator Waver: "Pero si White nag Menki noh? Last match ng FTT na si White yung jungler gumamit ng Lanling eh."
Commentator Zia: "Oo, pero mahirap din kasi mag assassins itong si White kasi kung titingnan 'yung last match ng FTT na siya ang jungler last season hindi rin ganon kataas 'yung win rate. Actually, bihira tayo makakita ng assassins jungler sa FTT noh? Kahit si Just, puro siya tank/fighter jungler, I think isang beses lang siya gumamit ng assasins if I'm not mistaken at 'yun ay last season sa match ng Team RG at ginamit niya si Ying. Very unusual, pero ang taas ng win rate."
Commentator Waver: "Yeah, at ang gwapo ng assassins jungler ni Just."
Commentator Zia: "Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan." Tumawa si Commentator Zia. "Wait, kinuha ng FTT si Menki at Guan Yu? Bakit parang feeling ko mag-aassasins si Boss?"
Commentator Waver: "Oy maganda 'yan ah, kasi pinangka-counter din 'yung Guan Yu sa Mai Shiranui pero ngayon kinuha ng FTT si Guan Yu at naka-banned si Dharma, kung hindi kukunin ni Boss si Mai Shiranui hindi ako marunong magbasa."
Commentator Zia: "...ng line up noh? Pero Mai Shiranui na talaga 'to, last pick ng FTT Mai Shiranui."
Sa official live broadcast ng PKL, makikita ang scrolling comments.
[Grabe 'yung fantastic era oh, hindi talaga binan si Mai Shiranui at hindi rin talaga sila nag-banned ng mage.]
[Iniisip nila na hindi magaling mag-aassasins si Boss at sayang lang sa ban spot.]
[Grabe, kahit napatay ni Boss si Shadow sa opening match?]
[Opening match nga diba? It means, friendly match sineryuso lang talaga ni Boss.]
[What if, magaling talaga mag-Mai Shiranui si Boss.]
[Malalaman natin mamaya kapag nakuha na nila.]
Kasabay nun, lumabas ang pick ni Gem at Mai Shiranui nga ang last pick. Nag swap na sila ng kanilang mga hero sa kanya-kanya nilang posisyon. Samantalang tumawa ang dalawang commentators.
Commentator Zia: "Mai Shiranui last pick? Tama ba 'to? Very unusual para maging last pick ang Mai, parang grabeng pang-poprovoke naman 'tong ginawa ng Fantastic Era, hindi talaga binan."
Commentator Waver: "Yeah, at parang sinasabi ng Fantastic Era dito na mahina si Boss. Pero tingnan mo 'yung ekspresyon ni Boss seryuso lang, hindi nagbago."
Commentator Zia: "At mamaya malalaman natin kung paano nga ba gagana ang strategy ng Fantastic Era dahil sa hindi pag-ban sa isang Mai Shiranui, baka meron silang tinatagong strategy. Pasok na tayo sa game number 1."
Pumunta sila sa kani-kanilang mga lanes para mag-clear ng minions at jungle creeps ngunit makikita sa mapa na umikot ang jungler ng Fantastic Era para tumawid sa river at nagbabalak nakawin ang azure golem ni White. Sinusubukan namang depensahan ni White ang kanyang blue ngunit dumating ang mid laner ng Fantastic Era para tulungan ito.
Mabilis na nilinis ni Jacian ang minions sa mid lane at pumunta sa blue buff ni White para tulungan itong dumepensa. Hindi kasing lakas ni White ang jungler ng Fantastic Era at bago pa makarating si Jacian nagamitan na ng smite ng Fantastic Era ang blue buff ni White.
"Mag-assist ako 'pag-level 4 na si Lucky." Ani Gem.
Isang world-class roamer si Gem at kahit na Arli ang hawak ng Fantastic Era nagawa niya itong pauwiin.
Ibinaba lamang ni White ang kanyang ulo. "...sorry."
Hindi nagsalita si Jacian, ang apat niyang daliri ay walang tigil sa pagpindot ng screen para i-check sa mapa ang kanyang teammates. Nang makita ni Jacian na wala ng oras para nakawan ng buff ang jungler ng Fantastic Era, sinabi niya sa kanyang isipan, 'huling blue at red buff mo nalang 'yan.'
Nang dumating ang oras na magkaroon ng ultimate si Jacian, pumunta siya sa jungle ng Fantastic Era at tumago sa damuhan. Nang dumaan ang jungler ng Fantastic Era, ginamit niya ang flash at skills combo, basic attack para tuluyan na itong ma-execute.
Yung jungler ng Fantastic Era na naglalakad. "...........?"
"Tingnan mo 'yung gold, mataas ang gold ni Mai Shiranui sa ating lahat." Saad ng teammate niya.
Napa 'oh' naman ang jungler ng Fantastic Era.
Sobrang nakakagulat 'yun at literal na binulaga talaga siya ni Boss. Ngunit hindi lang 'yun ang nakakainis, sinama pa ni Boss si White para kunin ang dalawa niyang buff, sinubukan pa itong depensahan ng mid laner at support ngunit masyadong makunat si Menki at mataas ang damage ni Mai Shiranui. Habang nangyayari pala iyon ay kinukuha na ni Lucky at Gem ang tyrant sa may ibaba. Hindi maka-assist ang clash laner ng Fantastic Era dahil na-suppress ito ni Blue at dinala talaga hanggang tower gamit si Guan Yu. Walang magawa ang clash laner ng Fantastic Era at tiningnan nalang na ma-execute ng tower ang kanyang hero.
Kinuha ng FTT ang tyrant at nagkaroon sila ng malakas na damage. Mid game core si Mai Shiranui at ngayong merong extra damage sobrang sakit na talaga ng hero na 'to, ito na 'yung sitwasyon na gusto mo nang i-banned ang hero na 'to. Sa loob ng 4 minutes, pinatumba ng FTT ang mid lane turrets patungo sa high ground tower, sobrang bilis lang nang pag-punish ng FTT at literal na gumagamit pa si Jacian ng flash mahuli lang ang members ng Fantastic Era.
Butas ang mid lane ng Fantastic Era at kayang kaya na itong tapusin ng FTT, hindi pa nakapag-build ng tatlong core item si Arli at sobrang hirap ng positioning niya para pumasok sa teamfight at mag-execute ng isang player ng FTT. Ginugulat lang ng FTT ang Fantastic Era, nawawala sila sa mapa at para sa side ng Fantastic Era sobrang hirap para sa kanila ang lumabas ng base para kumuha ng farm dahil bigla bigla nalang sumusulpot sa damuhan si Mai Shiranui.
Sa isang wave ng minions, nag-initiate ng teamfight si Jacian habang nasa likuran niya si Lucky na binabawasan ang HP ng mga members ng Fantastic Era. Sobrang daming skills ang naubos at naka-triple kill pa si Jacian at double kill naman si Lucky. Nag-tower lock na sila at hindi na pinuruhan ang Fantastic Era hanggang sa sumabog ang crystal.
VICTORY!
Tinanggal nila ang kanilang noise cancelling headphones at tumayo para pumunta sa break room. Samantalang sinisimulan namang i-analyze ng dalawang commentators ang match habang naka-flash ang replay sa malaking screen ng arena.
Commentator Zia: "Katulad ng inaasahan natin, si Boss ang MVP sa kanyang Mai Shiranui at meron siyang KDA na 5-0-4. Marami tayong nakitang plays mula kay Boss at iyon ang sumira sa laning ng Fantastic Era na naging dahilan para hindi makapag-farm si Arli at ang jungler ng Fantastic Era." Aniya habang nakatingin sa replay.
Commentator Waver: "Yun oh, 'yung pag-gulat na ginawa ni Boss iyon 'yung sumira sa rhythm ng pag-farm ng Fantastic Era, namatayan kaagad sila ng jungler sa early sobrang laking kawalan. Tsaka 'yung huling teamfight, ganda ng pag-initiate ni Boss. Sukat na sukat 'yung timing." Sumang-ayon naman si Commentator Zia.
Matapos ang ilang minutong pag-analyze tinawag na uli ang mga players para sa game number 2. B03 o Best-of-three ang format sa regular season at ibigsabihin ang sino mang makapanalo ng dalawang beses ay siya ang mananalo, kung mananalo ang FTT sa game 2 tapos na ang series.
